oo, magaling lang ako sa simula.
napakadali naman na kasi ang gumawa ng bagong e-mail, ng blog, at kung ano pang anik-anik sa internet. napakadami naman na kasing naglitawan. una yung mga networking sites: friendster, multiply, xanga, myspace, etc. etc. na ang naging purpose na lang ng mga tao ay ang magpadami ng contacts na hindi papansinin.
nahagip din ako ng craze na yan. sinalihan ko ata lahat. hanggang sa hindi ko na matandaan ang mga user name at password na pinaglalalagay ko. marahil, hanggang ngayon palutang-lutang sa web ang mga accounts ko na yun.
mga tatlong taon din ako nawalan ng balita sa internet, multiply ko na lang at friendster ginagalaw ko. kunwari, busy ako sa pagaaral.
ngayong kasali na ako sa milyon-milyon na unemployed sa ating bansa. internet na ulit ang pinagkakaabalahan ko.
kung kelan ba naman ako nakapagtapos saka nagtaasan lahat ng bagay sa mundo. mataas na pamasahe, mataas bilihin, mataas na baha dito sa may amin tuwing naulan, mataas na interest sa banko ng nakurakot na pera ng presidente natin…etc. etc.
mas lalo tuloy ko hindi makalabas ng bahay. ni singkong duling wala ako. nakakahiya naman humingi ng humingi sa mga magulang ko dahil 2 na kami ng kapatid kong ewan ang pinagtapos na wla pa ring trabaho.
speaking of my brother dear, sya lang ang makapal ang mukha na humihingi ng pera hanggang ngayon sa aming mga magulang. tama ba naman na halos isang taon na sya tambay? nasanay na ata at nagkakalyo na ang pes nya. ay, i-minus mo pla yung 3 buwan nya sa call center. hindi kasi sya nakatagal. hirap daw byahe. 7 months. pitong buwan sya tambay?! sus. sana makahanap na ako ng trabaho.
asan na ba ako? naka naman, nadala nanaman ako ng pagrereklamo ko.
kaya andito ako, dahil nakita ko kumikita ng pera dito,
datung pare! kaya ko naman gawin yung mga ginagawa ng iba dyan na kumikita kaka-blog.
yun nga lang, medyo behind na ako. andami nang bagong mga ekek ang lumabas.
ba, may twitter, may plurk, may mybloglog…at may blogawards na!
big time na nga ang mga events. mala oscars.
tapos parang alien language ang nakikita ko sa adsense, blogvertise…
marahil dahil busy yung utak ko kaka-process ng information mula sa blogniinday.(lafftrip) na blot-out tuloy yung information sa mga pagkukuhanan ko ng kumikitang kabuhayan. uulitin ko nalang ulit.
No comments:
Post a Comment